Follow me:

Nakakatawa.

Pauwi kami noon ni Arjay at Kelly galing sa Laguna. Galing SLEX, lumabas kami sa Bicutan Exit kasi mas mura kung doon kami dadaan kaysa sa C5. Nadiskubre kasi namin na less traffic at mas mura kung sa Bicutan tapos C6 kami dadaan pauwi.

Malas lang kami kasi noong Lunes, inabot kami ng kasagsagan ng traffic sa may Taguig area. Natigil kami sa may intersection ng sobrang tagal kaya nagkuwentuhan na lang kami ni Arjay.

“Sobrang congested na ang Manila, ano?” sabi ko kay Arjay habang pinapanood namin ang napakadaming pedestrians na dumadaan sa harap at gilid ng kotse namin. Sasagot na si Arjay nang… boom! May isang babae na naglalakad sa gitna ng kabilang lane ang nasagi ng isang naka-bike.

Naawa kami noong una ngunit na-realize namin na parang ang drama nung babae. Bakit? Unang-una, napakabagal ng bike na nakasagi sa braso niya. Ikalawa, iniindang niya na masakit ang isang paa niya eh hindi naman yun natamaan! Nakahalandusay siya roon sa daan na parang nabundol ng truck. Nakakatawa.

Mas nakakatawa pa, si manong fishball na nasa harap ng pinangyarihan ay nakatingin lang na parang enjoy na enjoy sa drama. Gayundin ang maraming pedestrians.

Maya-maya, may traffic enforcer nang dumating. Tinulungan ng enforcer at ng lalaking naka-bike yung babae tumayo. Best actress sobra. Pilay kuno ang peg niya. Ma-sesettle na sana ang kaguluhan nang may dumating na lalaking naka-green na biglang hinampas iyong lalaking naka-bike ng fist niya.

Aba! Ibang level ang drama. Oo, nasagi ang nanay niya. Pero kailangan ba ng violence? Ni hindi nga niya nakita kung ano nangyari!

Gusto sana namin tumulong noong simula pa lang. Pero sa ka-dramahan noong babae at ng kanyang pamilya, nawalan kami ng gana.

Iyon lang. Just sharing. Nakakatawa talaga kasi ang mala-teleserye na mga pangyayari sa mga ordinaryong Pilipino. Siguro avid watchers sila ng Filipino teleseryes na eksaherada ang mga pangyayari.

Naumay na ako sa street drama na iyon after ten minutes. Buti na lang gumalaw na ang traffic kaya nakaalis na rin kami.

Previous Post Next Post

Read these too:

No Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.